30% rice farmers sa region 2, natapos ng nag-ani

Umabot na sa 30% na rice farmers ang nakapag-ani na kanilang mga pananim palay sa lambak ng Cagayan.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Department of Agriculture Region 2 Director Narciso Edillo, sinabi niya na karamihan sa mga nakapag-harvest na ay sa mga irrigated area.

Partikular sa bahagi ng Santiago City, Cordon, San Mateo at Ramon.

Read More:  Police hunt hit-and-run driver after child injured in Lapu-Lapu City

Habang nasa 15% palang ang nakapag-ani na mga corn farmers.

Marami kasi aniya ang nahuling nagtanim dahil nakaranas ng tagtuyot sa mga buwan ng June at July.

Kaya naman ang mga ito aniya ang pangunahing naapektuhan ng nagdaang bagyong Maring.

Sinabi ni RD Edillo na sa ngayon ay patuloy pa ang gingawang monitoring and assessment ng mga Municipal Agriculture Office lalo na sa probinsya ng Cagayan na nakaranas ng pagbaha dahil sa epekto ng bagyon.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Titingnan pa aniya ang ipapasang datos ng mga MAOs para malaman ang halaga ng pinsala sa agrikultura.

Kahit papaano anya ay mayroon namang mga nakareserba na binhin na maaaring ipamahagi sakaling may maitalang totally damaged crops.