30 NPA terrorists, na-neutralize ng militar sa Visayas Region

Tatlompung miyembro ng New People’s Army ang na-neutralize ng militar sa buong Visayas Region nitong buwan ng Pebrero.

Ayon kay Visayas Command Commander, Lieutenant General Benedict Arevalo , itinuturing itong malaking dagok sa makakaliwang grupo na nag-ooperate sa buong rehiyon.

Sa 30 NPA terrorists na na-neutralize; 14 sa kanila ang namatay sa mga engkwentro, 15 ang sumuko sa pamahalaan at isa ang naaresto.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Kabilang sa mga napatay ang mga high-value personalities na sina Rolando Caballera aka Chow/Brooks, miyembro ng NPA’s Regional Executive Committee sa Eastern Visayas.

Napatay si Cabellera sa engkwentro sa Albuera Leyte.

Si Domingo Compoc aka Cobra/Silong, ang itinuturing na top NPA leader sa Bohol at ang pinakahuli ay si Rena Rhea Camariosa aka Kira/Sheena, itinuturing na 2nd Deputy Secretary ng Southern Panay Front ng NPA.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Napatay ito sa engkwentro sa pwersa ng gobyerno sa San Joaquin, Iloilo.

Samantala, 47 armas naman ang nakumpiska ng militar kung saan 34 dito ay high-powered firearms.

Sinabi ni Lt. General Arevalo na sa kabila ng tagumpay na kanilang natamo laban sa makakaliwang grupo ngayon buwan, hindi pa natatapos ang kanilang misyon na tapusin ang insurhensiya sa rehiyon.