Inaresto ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Special Project Group at Quezon City Police District Station 10 ang tatlong kawani ng Land Transportation Office (LTO) dahil sa umano’y pagnanakaw ng mga plaka sa planta.
Sa natanggap na ulat ni QCPD Director Brigadier General Redrico Maranan, nag-ugat ang operasyon matapos nakatanggap ng ulat na ninanakaw umano sa Plate Making Plant ng LTO ang mga plaka.
Naaktuhan ng security guard ng planta ang tatlong tauhan ng ahensya na kumukuha ng limang plaka.
Iniimbestigahan ng QCPD Station 10 kung ano ang kanilang ginagawa sa ninanakaw na plate numbers sa isang closed-door investigation.
