3 patay sa rabies sa So.Cot

KORONADAL CITY – Tatlo na ang binawian ng buhay dahil sa rabies sa lalawigan ng South Cotabato. Ito ay dahil sa hindi agad pagpapasailalim sa postexposure prophylaxis o anti-rabies vaccination.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido Jr na nakamamatay ang rabies ngunit ito ay maiiwasan kung agad na magpapabakuna kontra sa rabies ang nakagat at kung ang mga aso’t pusa ay nabakunahan din.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Ayon sa opisyal na hindi na dapat hintayin pang lumabas ang sintomas bago magpabakuna. Dahil dito, umapela si Aturdido sa mga biktima ng dog bites na agad na magtungo sa mga Animal Bite and Treatment Centers (ABTC) at hindi sa mga “tandok”. Ang “tandok” ay isang tradisyunal na paraan ng panggagamot kung saan tinatanggal ng manggagamot ang rabies sa pamamagitan ng pagsipsip sa sugat gamit ang sungay ng kalabaw o kambing.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Ngayong buwan, ipinagdiriwang ang Rabies Awareness Month na may temang “Rabies free na pusa’t aso, kaligtasan ng pamilyang Pilipino”.