3 patay sa airstrike ng militar sa Maguindanao del Sur

Tatlo ang patay habang labing isa naman ang sugatan sa airstrike ng militar sa bayan ng Pagalungan, Maguindanao del Sur.

Sa panayam ng Brigada News FM Cotabato kay 6th ID Spokesman Army Col. Dennis Almorato, ang mga nasawi at nasugatan sa nasabing airstrike ay mula sa grupo ng Dawla Islamiah – Hassan Group na nag ooperate sa marshy area ng lugar.

Read More:  Ombudsman recommends plunder case vs Marcoleta

Bagamat walang inabutan ang militar na mga bangkay ng mga terorista sa kanilang isinagawang clearing operation pero bakas anya ang mga dugo sa mismong pinagtataguan ng mga ito.

Nagsimula ang operasyon ng militar sa pangunguna ng 602nd Infantry Brigade alas tres ng madaling araw kahapon araw ng Hwebes, December 7 2023 partikular sa Barangay Dalagan ng bayan ng Pagalungan.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Ang ginawang operasyon ay resulta ng sumbong ng mga residente ng lugar na diumanoy nagpaplano ang mga terorista ng panghahasik ng lagim sa Maguindanao at North Cotabato area ngayong holiday season.