3 pang Pinoy, nasagip sa Afghanistan

Umabot na sa 191 Filipino repatriates ang nasagip mula sa bansang Afghanistan, habang may 20 Pilipino pa ang natitira roon.

Ayon sa situation bulletin na inilabas ng Department of Foreign Affairs (DFA), nadagdagan ng tatlo ang nakalikas sa nasabing bansa, dahilan upang umabot na ito sa 191.

Read More:  DOTr orders two Manila bus terminals to explain violations

18 na Pinoy naman ang piniling manatili sa Afghanistan dahil umano sa kanilang trabaho at dalawa naman ang bukas sa repatriation.

Read More:  Malacañang orders agencies to prepare for Undas travel rush

Sa  kasalukuyan, patuloy na nagmomonitor ang embahada ng Pilipinas sa Islamabad, Pakistan na siyang may sakop sa Afghanistan, at naghahanda para tulungan ang mga Pilipinong naroon.

Matatandaan na sinakop na ng militanteng grupo ng Taliban ang bansang Afghanistan ilang linggo na ang nakakaraan.