3 pamilya sa Bula Camarines Sur, inilikas dahil sa nakitang posibilidad ng landslide

NAGA CITY- Tatlong pamilya sa Barangay San Francisco, Bula, Camarines Sur ang inilikas dahil sa paggalaw ng lupa, kung magiging sunod-sunod pa ang pag-uulan may posibilidad ng landslides.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Joseph Antioquia ng Municipal Risk Reduction and Management Office.  Ang mga pamilya ay hindi na muna pinababalik sa kani-kanilang tahanan dahil delikado sa lugar. Inabisuhan na ring mas mabuti kung lumipat na ng matitirahan lalo pa’t tag-ulan na.

Read More:  Bacolod’s P6.1B loans frame dispute between political allies

Tulad nang nangyari sa La Victoria, mas marami ang maapektuhan kung malaki ang pagguho ng lupa, binigyan na ang mga residente roon ng lugar na mapaglilipatan.

Read More:  ₱2.2-M shabu seized; ex-police, seaman among 5 arrested in Iloilo

Ayon kay Antioquia , nakiusap sila sa barangay council  ng San Francisco na hintayin muna ang MDRRM kung papayagan na makabalik ang mga residente.