3 paaralan sa Camalig, Albay isinailalim sa area assessment para sa pagbubukas ng face-to-face classes

LEGAZPI-Nagsagawa ng area assessment ang Municipal and Barangay Composite Teams sa tatlong paaralan sa bayan ng Camalig sa Albay na magsasagawa ng face-to-face classes.

Kasama sa mga paaralan ang Maninila Elementary School (ES), Panoypoy High School (HS) at Pariaan National High School ang isinailalim sa assestment bilang paghahanda sa papalapit na pagbubukas ng expansion face-to-face (f2f) classes.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Kasama sa tingnan kung gaano kahanda na ang nasabing paaralan na makipagsabayan sa ibang paaralan na nag-implementa ng pilot implementation ng f2f learning.

Katuwang ang ibang ahensya ng gobyerno, muling pinaalalahanan ang mga paaralan para sa tamang implementasyon ng solid waste management, sanitation, at pag obserba ng minimum public health standards.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Inaasahan rin na ang mga ito ang magkakaroon ng regular na sanitation operations kasama rin ang health declaration sheets sapamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Municipal Epidemiology & Surveillance Unit (MESU).