3 huli dahil umano sa pagda-drag race

Hinuli ng Anti- Crime Task Force ang tatlong kalalakihan na sangkot umano sa pagda- drag race.

Iniulat ng ATCF na ang dalawa sa kanila ay nadakma sa asinan sa Barangay Tagburos matapos makipaghabulan sa awtoridad mula sa Barangay Sta. Lourdes kagabi.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Ang dalawang nahuli na taga- bayan ng El Nido at Quezon ay wala umanong lisensya habang ang isa sa kanila ay inabutan ng ACTF sa Roxas St. Puerto Princesa.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Dahil sa mga paglabag ay in-impound ang kanilang mga motorsiklo sa City Traffic Management Office.