Nakaranas rin ng hacking sa facebook account ang tatlong empleyado ng Bgy. Sta. Rita, Olongapo City.
Ang senaryo ay halos kapareho nang nangyari sa ilang empleyado ng Castillejos LGU nakaraang araw.
Ayon kay Kap. Ying Anonat, ginamit ang hinack na account para mangutang ng pera sa pamamagitan ng Gcash.
Maging ang pangalan umano na papadalhan sa Gcash ay nahack rin kaya mapupunta rin sa ibang tao ang pera kung sakaling may nabiktima.
Mabuti na lamang umano at mayroong group chat ang mga empleyado ng barangay kaya mabilis na naimpormahan ang isa’t isa.
Nagsimula umano ang pangyayari nang may isang link invitation sa raffle na binuksan.
Sa ngayon ay naayos na rin umano ng mga kawani ang kanilang facebook accounts.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
