3 bodega ng fast food chain sa Puerto Princesa, nasunog!

Iniimbestigahan pa rin ng Bureau of Fire Protection ang pagkasunog ng tatlong bodega ng fast food chain sa Puerto Princesa City nitong gabi ng Linggo, April 23.

Ayon kay City Fire Marshal SUPT NILO T CAABAY JR. bandang alas-nwebe nang maitwag sa kanila ang sunog sa bahagi ng barangay san manuel kung saan naging pahirapan ang pagpasok ng mga bumbero dahil sa nakakandadong gate.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Mabilis na nasunog sa tatlong bodega ang mga produkto ng tatlong fast food chain dahil sa lakas ng apoy na tinatayang alas- nwebe ng gabi nagsimula sa hindi pa malamang parte ng fire scene.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Samantala, hinihintay ng City fire Station ang ipapadalang affidavit of losses ng mga may-ari ng establisyemento tungkol sa danyos ng sunog.