3 bayan at 6 barangay sa Bicol, idineklarang drug-cleared ng PDEA

BNFM Bicol- IDINEKLARA ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bicol ang 3 bayan sa rehiyon partikular na ang Manito at Malinao sa Albay at Gigmoto sa Catanduanes kasabay ang anim na mga barangay sa Camarines Sur at Sorsogon na Drug Cleared.

Ang mga nabanggit na mga lugar sa rehiyon ay mga nakapasa sa deliberation at assessment ng Regional Oversight Committee sa ilalim ng Barangay Drug Clearing Program (BDCP).

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Nilinaw naman ni PDEA 5 (Bicol) Information Officer Carlo Fernandez na ang terminong “drug-cleared barangays” ay dating tinukoy na drug-affected kung saan may mga taong gumamit ng droga na sumailalim sa drug-clearing operations at dineklarang cleared mula sa mga aktibidad kaugnay sa ilegal na droga alinsunod sa mga parameter na itinakda ng batas.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Sa ngayon, 2,357 ng kabuuang 3,471 na mga barangay sa rehiyon ang deklarado nang drug-cleared, 678 ang drug free, habang nasa 436 pa ang drug-affected. ### Nico Merciales, Intern

Photo from PRO5