3 anyos na bata, patay matapos masagasaan ng van sa San Jose, Batangas

Patay ang isang 3 taong gulang na bata matapos na aksidenteng masagasaan ng van sa palusong na bahagi ng daan sa isang poultry farm sa Brgy. Sabang, San Jose, Batangas.

Ayon sa imbestigasyon ng San Jose Municipal Police Station, ang bata ay anak ng maglive in partner na sina Rodrigo Villanueva y Gutierrez, 29, at Ma. Clarisse Maravilla Florido, 27 anyos.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Batay sa report, ipinark umano ng driver na si Rene Sagun y Asilo, 41, ang minamanehong van sa palusong na bahagi ng daan at bumaba sa sasakyan para kumuha ng tray ng itlog sa poutry farm.

Dahil sa palusong ang daan ay bigla na lamang umanong gumalaw ang van at nagdiri-diritso hanggang sa mabangga ang 3 taong gulang na batang tumatawid.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Agad na dinala sa Dr. Marasigan Memorial Hospital sa Cuenca, Batangas ang biktima at nailipat pa sa Batangas Medical Center sa Batangas City ngunit binawian pa rin ng buhay.

Ayon sa imbestigasyon, posibleng magkaroon ng settlement sa pagitan ng driver at mga magulang ng batang biktima dahil sa hindi sinasadyang pangyayari.