3.76-million COVID-19 shots, naipamahagi sa 2nd run ng national vaccination drive

Inanunsyo ng Department of Health na pumalo na sa tinatayang 3.76-million COVID-19 vaccine doses ang na-administer sa second run ng National Vaccination Days.

Sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, na nagsisilbi rin bilang head ng National Vaccination Operation Center, na base ang bilang sa isinagawang inokulasyon mula December 15-20.

Read More:  Padilla attends DOJ probe over obstruction complaint

Ipinunto niya na nasa 2.1-million ang tumanggap ng second dose habang nasa 1.1-million naman ang naturukan ng first dose.

Aniya, tinataya naman nasa 289,000 ang nagpa-booster shot.

Read More:  NFA expects palay prices to rise to P30/kg as severe El Niño looms

Inihayag ni Cabotaje na ang nasabing vaccination drive na inisyal na itinakda sa loob ng tatlong araw, ay mapapalawig hanggang sa susunod na linggo matapos ang ginawang pinsala ng Bagyong Odette.