3.1M Pilipino nakararanas ng gutom

Tiantayang aabot sa 3.1 milyong mga Pilipino, o katumbas ng 12.2% ang nakararanas ng involuntary hunger.

Ito ang lumabas sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations.

Sa ulat, 0.4 points ito na mas mataas sa 11.8% na naitala noong December 2021; at 2.2 points na mas mataas noong Setyembre ng nakaraang taon.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Sa kabila nito, 0.9 points pa rin itong mas mababa kumpara sa annual average noong 2021 na 13.1%.

Pinakamataas na naitalang hunger sa Metro Manila na mayroong 18.6%; sinundan ng Mindanao na mayroong 13.1%; Balanced Luzon sa 11.7%; at 7.8% sa Visayas.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Lumabas na ito ang pinakamataas na hunger rate na naitala sa Metro Manila mula July 1998.

Isinagawa ang survey noong April 19-27 sa 1,440 adult respondents.
#