2nd District ng Sorsogon, may OWWA at PhilHealth express office na

SORSOGON CITY – Sabay na pinasinayaan sa loob ng isang araw kahapon, Abril 6 ang tanggapan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at PhilHealth na matatagpuan sa loob ng Irosin National Agency Center and Terminal (INACT).

Ayon kay PhilHealth Regional Office V, Vice President Henry Almanon, malaking tulong ito para sa mga mamamayan na malayo sa sentro na hirap makakuha ng serbisyo lalo na ng PhilHealth.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Naniniwala rin ang opisyal na makatutulong ito sa pagpapalakas ng health care services sa lalawigan kung saan matutugunan ng mabilis ang mga problema ng mga benepisyaryo na hindi na kailangan pang magtungo sa lungsod ng Sorsogon.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Pinuri rin ng opisyal ang pagpursigi ng Lokal na Pamahalaan ng Irosin na malagyan ng mga express office sa kanilang bayan.

Aniya, patunay ito na talagang nagmamalasakit, hindi lamang sa kanyang nasasakupan kundi sa napakarami pang bayan sa ikalawang distrito.