Umatras ang 29 na guro sa lalawigan ng Abra bilang electoral board member bago ang Oktubre 30 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Binigyang diin ni Comelec chairman George Garcia na umtras ang 29 na guro sa pagsisilbi bilang poll worker para sa BSKE dahil related ang mga ito sa kandidato.
Sinabi pa ni Garcia na hindi totoo na tinakot o pinag-withdraw ang mga guro.
Bilang pamalit, 93 na tauhan mula sa Philippine National Police (PNP) ang ide-deploy.
Sinuguro din ng Comelec na papaigtingin pa nila ang sugridad upang maging ligtas ngayong araw ng eleksyon.
