28 bagong kaso at 20 na nakarekober sa COVID-19 naitala sa Camarines Norte kahapon

CAMARINES NORTE- Nakapagtala muli ng karagdagang 28 bagong kaso at 20 na nakarkeober sa COVID-19 ang lalawigan ng Camarines Norte

Sa case bulletin report ng DOH Bicol na ipinalabas kahapon, siyam na bagong kaso ang nagmula sa bayan ng Daet, tig-a-apat na kaso ang nagmula sa mga bayan ng Labo, Talisay at Vinzons, tig-tatlong kaso naman ang bayan ng Basud at Jose Panganiban habang may isang kaso ang naitala sa bayan ng San Lorenzo Ruiz

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Dahilan ito upang maitala 1,085 na aktibong kaso ng sakit

Sa kabila nito, naitala naman ang 28 mga pasyente na gumaling sa covid-19 kung kaya’t umaabot na sa 1,720 ang total recoveries at nanantili naman sa bilang ng 97 ang total death toll

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Sumatotal, mayroon ng kabuuang bilang ng 2,902 ang naitatalang mga indibidwal na naapektuhan ng nasabing virus