26 katao na miyembro umano ng H-World Un-Pi, huli dahil sa pang-aagaw ng baril

Inaresto ng pulisya ang 26 na indibidwal sa Tawtawan Island, Sitio Lagpan, Barangay New Ibajay, El Nido, Palawan.

Iniulat ng Palawan Provincial Police Office na noong alas-kwatro ng hapon ng July 4, 2022 nangyari ang pag-aresto sa mga suspek sa Robbery.

Isang Henry Manga Peligro, 28 anyos na island security guard ang nagreklamo laban sa mga suspek nang ilegal umanong pumasok sa isang resort sa Tawtawan Island ang mga suspek at pwersahan umanong kinuha ang kanyang Twelve (12) gauge shot gun, armscor.

Base pa sa ulat ng Provincial Police, noong July 5, 2022 nang magsagawa ng hot pursuit ang El Nido MPS kasama ang 4th platoon 2nd PMFC, at 23rd MC na nag-resulta ng pagkakahuli ng 26 katao sa Isla.

Sa lugar ay positibong itinuro ng biktima ang mga suspek na umagaw raw ng kanyang baril habang nasa presensya ng punong barangay at kagawad.

1. Allan Tangueran Ello, 20 anyos ng Sitio Wasay, Barangay Tenguiban, El Nido Palawan;

2. Francisco Gelano Piolo, 42 anyos ng Barangay Libertad, Taytay, Palawan;

3. Leopoldo Gadot Gabasa Jr, 48 anyos ng Barangay Libertad, Taytay, Palawan,

Read More:  Pope Leo appoints new spiritual leader of Diocese of Bacolod

4. Elben Abrina Razote, 28 anyos , construction worker ng Barangay Teneguiban, El Nido, Palawan;

5. Christian Siasat Canke, 20 anyos ng Barangay Paglaom, Taytay, Palawan;

6. Alfonso Saclet Dela Cruz, 44 anyos ng New Agutaya San Vicente, Palawan;

7. Albert Magbanua Piolo, 31 anyos ng Barangay Libertad, Taytay, Palawan;

8. Romelito Galardo Tabangay, 54 anyos ng New Agutaya, San Vicente, Palawan;

9. Ricky Amura Francisco, 43 anyos ng New Agutaya, San Vicente, Palawan;

10. Jevie Agner Casampol, 21 anyos ng Sitio Wasay, Barangay Teneguiban, El Nido, Palawan;

11. Nicko Bartolay Maravilla, 27 anyos ng Barangay New Ibajay, El Nido, Palawan;

12. Issachar Florendo Oirada, 38 anyos ng Barangay New Ibajay, El Nido, Palawan;

13. Mc Donald Bermudez Eugenio, 60 anyos ng New Agutaya, San Vicente, Palawan;

14. Allan Evangelista Bolante, 33 anyos ng San Vicente, Palawan;

15. Jesus Ortega Reyes, 53 anyos ng Barangay Barotoan, El Nido, Palawan;

Read More:  Residents complain of foul odor from mango company in Malandag

16. Roger Zumarraga Casampol, 42 anyos ng Barangay Teneguiban, El Nido, Palawan;

17. Ariel De Lima Armodia, 27 anyos ng Barangay San Vicente, Palawan;

18. Guido Manalo Lastrella, 31 anyos ng Taytay, Palawan;

19. Aljeiric Nangit Francisco, 20 anyos ng Barangay Teneguiban, El Nido, Palawan;

20. Romel Gamoza Gabaleo, 30 anyos ng Barangay Paglaom, Taytay, Palawan;

21. Ernie Gallosa Molijon, 27 anyos ng Barangay Bucana, El Nido, Palawan;

22. Fernan Galon Saleco; 22 anyos ng Barangay teneguiban El Nido Palawan;

23. Norberto Agris Punzalan Jr, 36 anyos ng Paglaom, Taytay, Palawan;

24. Jeoffrey Rodrigo Rosauro, 46 anyos ng Barangay Poblacion, San Vicente, Palawan;

25. John Joseph Francisco Felipe, 23 anyos ng Barangay Barotoan, El Nido, Palawan;

26. Hernane Bacalin Evangelista, 63 anyos ng Barangay Libertad, Taytay, Palawan at labing-apat (14 ) na iba pang hindi pa pinapangalanan.

Ang mga suspek ay tinukoy na miyembro ng H-World UN-PI.

Nakuha sa kanila ang siyam ( 9 ) na motorsiklo at mga ID.

Ang mga suspek ay kinasuhan ng Robbery with Violence Against or Intimidation of Persons noong July 6, 2022, ayon sa ulat ng Palawan PPO.