256 Dengue cases nailata sa Naga

NAGA CITY- 256 na ang dengue cases sa Naga City kung susundan ang record ng Department of Health (DOH) Bicol ngayong 2022.

Sa update ng DOH mula Oct. 23 hanggang Nov. 5, tatlo ang nadagdag sa lungsod. Ito ay ayon kayJohn Dominic Bolunia, Entomologist III. Kung babalikan ang record noong Oct 22 umabot pa lamang sa 253 ang kaso.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Ang Naga City pa rin ang may pinaka mataas sa Bicol Region.

Sa buong Camarines Sur 7 ang bagong nakagat ng lamok na dengue virus carrier, ang tatlo nga ay sa Naga at hindi naman naisa-isa  kung saan pa lalawigan ang apat pa.  Sa panghalahatan bumaba ang kaso kumpara sa parehong period noong 2021 na mayroong 18.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Mensahe naman si Bolunia sa mga hindi nag oobserba ng kalinisan, makipag-cooperate dahil hindi ito laban ng DOH kundi laban ng bawat isa .