12 barangay sa Roxas, may problema sa Provincial Roads- BM Sabando

Inihayag ni Board Member Maria Angela V. Sabando sa harap ng iba pang miyembro ng Sangguniang Panalalawigan na may labindalawang ( 12 ) mga barangay sa Roxas ang may problema ngayon sa kani- kanilang Provincial Roads.

Ayon sa lokal na mambabatas mula sa unang distrito sa ginanap na regular na sesyon kanina, ang mga barangay na ito ay ang mga Barangay ng New Cuyo, Rizal, Tagumpay, Sandoval, Mendoza, Magara, Antonino, Tumarbong, Bagong Bayan, San Isidro, Taradungan, at Dumarao.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Sa privilege speech niya kanina ay ikinalungkot nito na natatagalan ang pag-sasaayos ng mga kalsada hanggang sa inabot na lamang ng tag-ulan kung saan inaasahang magdudulot ng mababang kalidad ng pamumuhay ng mga residente.

Aniya, ang mga kalsadang ito ay dapat aniyang ayusin ng Pamahalang Panlalawigan sa tulong ng Lokal na Pamahalaan subalit kinakailangan na dagdagan ang krudo o fuel ng Prov. Gov’t para sa mga heavy equipment na pinahiram nito sa LGU ng Roxas.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Paliwanag ng lokal na mambabatas, hindi maaaring gamitin ng LGU ang fuel ng munisipyo sa proyektong nasa hurisdiksyon ng Provincial Government, ayon umano sa Commission on Audit.

Sa kabila nito, ay umaasa at nagpapasalamat si Sabando na mabibigyan ng prayoridad ng Provincial Gov’t na maayos ang mga problema sa mga kalsada.