Nakapagtapos na ang nasa 25 na piling personnel ng PHQ, 1ST at 2ND Isabela Police Mobile Force Company sa isinagawang 18-day TESDA Training sa Bread and Pastry Production ng Isabela Police Provincial Office katuwang ang TESDA-ISAT.
Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, sa nasabing pagsasanay ay ginabayan ni Armeiza Pajarillo, BPP NC II Trainer ang mga trainees na gumawa ng tinapay tulad ng ube cheese pandesal, pande coco, cheese pandesal, cookies, rolled cake, whole cake at cupcakes.
Bukod sa 18-day training ay magkakaroon din ang mga ito ng national assessment na isasagawa ng TESDA sa unang linggo ng Setyembre ngayong taon para sa kanilang NC II qualification sa TESDA-ISAT Calamagui 2nd, City of Ilagan, Isabela.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng implementasyon sa programa ng PNP-TESDA MOA para sa mga PNP personnel na layong mahubog ang kanilang kakayahan at kaalaman na magagamit sa panahon ng kalamidad at relief operations.
Hnikayat din ang mga trainees na ibahagi ang kanilang natutunan sa mga residente ng nasasakupang barangay sa pamamagitan ng livelihood training lalo na umano sa indigent families upang makatulong sa kanilang pang-araw araw na pangangailangan.