25 na benepisaryo sa San Mateo, Isabela, nakatanggap ng nego-kart

Nasa 25 na mga indibidwal sa bayan ng San Mateo, Isabela ang nakatanggap ng nego-karts mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) Region 2.

Ang mga benepisaryo ay mga kabilang sa marginalized sector mula sa iba’t-ibang barangay ng naturang munisipalidad.

Maliban sa kanilang natanggap na negokart ay nagsailalim din ang mga ito sa entrepreneurship development training sa pamamagitan ng Negosyo Center San Mateo kung saan tinuruan ang mga benepisaryo kung paano magsimula sa pagnenegosyo at ilang mga pamamaraan kung paano mapapanatili at mapalago ang kanilang nego-karts.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat si Mayor Gregorio Pua sa ahensya sa patuloy na pagbibigay ng livelihood program sa kaniyang nasasakupan.

Hinikayat din ng alkalde ang mga nakatanggap na pangalagaan ang kanilang natanggap na tulong pangkabuhayan at nangako rin siya na magbibigay ng karagdagang single burner stove sa mga ito.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Tiniyak naman ni DOLE Isabela Field Office Provincial Head Ms. Evelyn Yango katuwang ang Public Employment Service Office – San Mateo na patuloy silang magbibigay ng suporta na kakailanganin pa ng mga benepisaryo. Tinatayang nagkakahalaga ng 500,000 pesos ang mga ipinagkaloob na nego-karts ng DOLE.