25 Container vans, ginawang Covid-19 isolation facility sa Tboli

KORONADAL CITY — ITINURN-OVER na ng Department of Social Welfare and Development DSWD-12 ang 25 na mga container vans na ginawang Covid-19 isolation facilities sa bayan ng Tboli, South Cotabato.

Ito ay pinondohan ng DSWD-12 ng P12, 106,000 habang may counterpart naman na P205,000 ang municipal government ng T’boli.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Ang 25 na mga container van ang ibibigay naman sa 25 na mga barangay sa nasabing bayan.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Ang bawat unit ng container van ay may dalawang kwarto na may sariling CR, may linya ng tubig at koryente at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga ma-isolate.