Sa kabila ng pangakong ‘revamp’ sa kampanya laban sa iligal na droga – tiniyak ni Interior Secretary Benhur Abalos na magappatuloy pa rin ang mga anti-illegal drugs operations.
Ayon kay Abalos, sa ilalim ng bagong bihis na ‘Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan’, ‘o ‘yung ‘BIDA’ program, hindi umano nila ihihinto ang mga isasagwang raids sa mga drug dens, at magpapatuloy pa rin ang paghahabol nila sa mga drug personalities lalo na sa mga drug lords, at mga financiers.
Sa huli, muling tiniyak ng Kalihim na magfo-focus na ang kanilang mga oeprasyon sa demand reduction ng ipinagbabawal na gamot, pati na rin ang rehabilitation ng mga nalulong sa droga.
Hinikayat din ni Abalos ang publiko na maging mga ‘BIDA advocates’, at makiisa sa mga law enforcement agencies para sa magandang kinabukasan ng mga kabataan.
Ibiniida ng DILG Secretary na aabot na sa mahigit 24,000 na mga drug personalities ang na-aresto, at halos P10Billion na halaga na ng droga ang kanilang nakumpiska sa ilalim ng administrasyong Marcos.
#
