2024 national budget, posibleng lagdaan ni Pang. Marcos ngayong linggo

Handa na sa lagda ni Pangulong Bongbong Marcos ang 2024 General Appropriations act o 2024 national budget.

Sa panayam kay House Speaker Martin Romualdez, sinabi nitong posibleng malalagdaan na ng Pangulo ang 5.76 trillion budget sa araw ng Myerkules.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Sinabi pa ni Romualdez na nais sanang lagdaan ni Marcos ang budget noong bago ito lumipad patungong Japan, pero hindi umabot dahil may ilang printing requirements na kailangan bago tuluyang malagdaan ng Pangulo ang national outlay document.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Nakatakda namang bumalik sa bansa ang Presidente mamayang gabi, mula sa pagdalo sa 50th ASEAN-Japan Commemorative Summit.