2022 Budget para sa PLLO, PSC at GAB, suportado ni Sen. Go

Nagpahayag ng suporta si Senador Christopher Bong Go sa 2022 budget ng tatlong ahensiya na kinabibilangan ng Presidential Legislative Liaison Office (PLLO), Games and Amusements Board (GAB), at Philippine Sports Commission (PSC).

Sa kanyang maikling talumpati sa pagdinig ng senate committee on finance, unang nagpaabot ng suporta ang senador sa PLLO dahil sa kontribusyon umano nito sa pag-coordinate at pag-unify ng Ehekutibo at Kongreso sa pagpasa ng iba’t ibang importanteng batas na nais isulong ng administrasyon ni Pangulong Duterte.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Maliban dito suportado din ni Sen. Go ang pondo ng PSC at GAB para sa tuloy-tuloy na sports development sa bansa.

Naniniwala umano ang mambabatas na ang pag-invest sa sports ay makakatulong para makapag-develop ang Pilipinas ng mga world-class athletes maliban pa sa makakatulong ito para mailayo ang mga kabataan sa iligal na droga at iba pang bisyo.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Kasabay nito ay hinimok ni Go ang mga kasamahan niya sa senado na suportahan ang budget ng PSC at GAB at kung maari ay madagdagan pa ito.