2022 budget dapat nakatuon sa recovery mula sa COVID-19 pandemic

Naniniwala si Sen. Sonny Angara na dapat mahagip ng huling budget request ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lawak ng national recovery mula sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa Senador kailangan lamang ng Malakanyang na maisama sa proposed 2022 National Budget ang mga binanggit na mga programa ng Pangulo sa kanyang sa hiling State of the Nation Address.

Read More:  DSWD assures safety of rice in family food packs amid reports of unusual smell

Paliwanag ng Senador mababalewala ang mga pangarap na proyekto kung hindi naman ito mabibigyan ng pondo.

Para kay Angara ang 2022 budget ang magsisilbing ‘major downpayment’ sa umano;y mahaba-habang tatahakin ng bansa para makabangon mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Read More:  VP Sara Duterte reveals alleged 2024 plans against her and Rodrigo Duterte

Binigyan-diin naman ng mambabatas na kailangan maging mabilis ang implementasyon ng mga programa, hindi dahil matatapos na ang termino ni Pangulong Duterte kundi dahil kailangan ito ng taumbayan na lugmok sa pandemya.