$200K aid at in-kind relief assistance sa quake-hit Syria, ipadadala ng PH

Magdo-donate ang gobyerno ng Pilipinas ng $200,000 sa Syria at magpapadala ng relief aid upang tulungan ang bansa na makarekober mula sa epekto ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Turkey noong nakaraang buwan.

Ayon sa Office of Civil Defense, na inihahanda na ng pamahalaan ang mga items na ipapadala sa Syria, matapos na humiling ang Syrian government ng tulong at donasyon mula sa Pilipinas.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Mababatid na ang bansa ay nauna nang nagpadala ng team sa Turkey para tumulong sa earthquake response, na binubuo ng 82-man Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PIAHC).

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Kaugnay nito, nasa 1,022 na mga pasyente ang natulungan ng PIAHC medical team, habang ang search and rescue team ay tumulong sa mga operasyon sa mga bumagsak na gusali, kung saan na-assess nila ang kabuoang 36 buildings mula February 10-15, 2023.
#