LEGAZPI CITY – Aabot sa dalawang libong na mga mag-aaral na magtatapos sa high school ang posibleng makinabang sa libreng tertiary education sa pamamagitan ng Daraga Community College (DCOMC) Camalig Campus, ayon mismo sa lokal na pamahalaan ng Camalig, Albay.
Ayon dito, dapat na mas maisakatuparan at maisagawa ang planong maipatayo ang DCOMC Camalig Campus kung marami ang magiging benepisyaro nito ayon kay Mayor Caloy Baldo.
Nakipagpulong na rin ang alkalde kay Vice Mayor Ding Baldo kasama ang technical working group (TWG) na binubuo ng mga piling department heads at functionaries upang talakayin ang mga update sa panukalang pagtatayo ng nasabing institusyon.