2 timbog sa buy-bust operation sa Lipa City, Batangas

Timbog ang dalawang kalalakihan sa magkahiwalay na buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Antipolo Del Norte at Brgy. 1, Lipa City, Batangas, noong gabi ng Abril 18, 2023.

Nakilala ng Lipa City Police Station ang mga suspek na sina Romar Medrano y Lucero alyas “Omar”, 29 anyos, walang trabaho, at residente ng Brgy. Antipolo Del Sur, Lipa City, Batangas, at si Renie Bereso y Putian alyas “Ato”, 50 anyos, may asawa, walang trabaho, tubong Camarines Sur at residente rin ng naturang siyudad.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Batay sa report, pareho silang huli sa akto na nagbebenta ng hinihinalang shabu sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Nakumpiska sa mga suspek ang tig-isang piraso ng sachet ng pinaniniwalaang shabu at tig-isang P500 peso bill na ginamit bilang buy bust money.

Sa ngayon ay nasa kusyodiya na ng Lipa CPS ang mga suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Drug Act of 2002.