2 team leaders sa operasyon na ikinamatay ni Baltazar, tetestigo

Tetestigo ang dalawang pulis na nanilbihang team leaders ng hot pursuit operations na humantong sa pagkakapatay sa 17-anyos na si Jemboy Baltazar.

Ayon kay dating Navotas Police chief Colonel Allan Umipig, maaring makapagbigay linaw sa kaso ang pagtestigo ng mga pulis kung sino ba talaga ang bumaril sa binatilyong biktima ng mistaken identity.

Read More:  VP Sara Duterte files new perjury complaint against Ramil Madriaga

Dagdag pa ni Umipig, wala itong alam sa pagsasagawa ng operasyon ngunit ginagalang nito ang desisyong pagtanggal sa kanya sa posisyon.

Read More:  Marcos says Philippines won’t allow territory used as launching pad for attacks on Taiwan

Sa ngayon, tinalaga naman na bagong Navotas Police officer-in-charge si Colonel Santos Sumingwa, na nagpautos agad sa lahat ng opisyal sa Navotas Station 4 na sumailalim muli sa pagsasanay.