2 pulis, sinibak para sa Barayuga slay case investigation

Pansamantalang inalis sa pwesto sa PNP Drug Enforcement Group sina PCol. Hector Grijaldo at PLt.Col. Santi Mendoza.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, ito’y upang bigyan ng pagkakataon ang dalawa na makaharap sa imbestigasyon ng CIDG kaugnay ng pagpatay kay dating Police Gen at PCSO Board Secretary Wesley Barayuga

Si Col Grijaldo ang syang hepe ng Mandaluyong police na syang nag- imbestiga sa pagkamatay ni Barayuga .

Ipinag utos ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil na walang sisinuhin ang pnp sa gagawing pagbubukas ng imbestigasyon upang mapanagot ang mga may sala at upang makamit ang katarungan ng pamilya ng biktima

Ayon kay Fajardo , hindi rin malayong masampahan ng kaso ang mga pulis na unang magsagawa ng imbesigasyon sa pagkamatay ni Barayuga kung mapatunayan na nagkaroon ng kapabayaan sa paghawak ng kaso.