2 patay, 1 sugatan sa gumuhong minahan sa Tboli, SoCot

KORONADAL CITY — PATAY ang dalawang lalaki habang isa naman ang sugatan matapos matabunan ng gumuhong minahan pasado alas 11 kagabi sa Sitio Macopa, Barangay Kemato, T’boli, South Cotabato.
Kinilala ng T’boli PNP ang mga nasawing biktima na sina Vincent Allego, 24 anyos, binata at Erwin Sawan, 27 anyos, habang sugatan naman si Edgardo De Leon, 23 anyos, pawang mga residente ng nasabing lugar.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Sa imbestigasyon ng mga otoridad na hindi umano napansin ng bantay na pumasok sa minahan ng Tribal Mining Corporation ang mga biktima para manguha ng mga mineral at sa kasagsagan ng kanilang trabaho aksidenteng gumuho ang bahagi ng minahan dahilan upang matabunan ang mga ito.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Dahil dito, dead on the spot sina Allego at Sawan habang sugatan naman si De Leon na agad na isinugod sa ospital.