Asahang magtutuluy-tuloy pa ang nararanasang pag-ulan ngayong weekend!
Ayon sa PAGASA, patuloy pa rin kasing nakaaapekto ang nagbabalik na Southwest Monsoon, ‘o ‘yung Hanging Habagat.

Sabi ng weather bureau – magpapaulan ito sa malaking bahagi ng Southern Luzon, buong Visayas, at buong Mindanao.
Patuloy namang binabantayan ang dalawang low pressure areas sa bansa.
Ang isa rito ay huling namataan sa layong 85 kilometro hilagang silangan ng Infanta, Quezon; habang ang isa naman ay sa layong 125 kilometro kanluran ng Iba, Zambales.
Ang mga LPA na ito, at Habagat ay magpapa-ulan sa malaking bahagi ng Metro Manila, pati na rin sa Zamboanga Peninsula.
Magdadala rin ng pag-ulan ang Habagat, pati na rin ang mga umiiral na localized thunderstorms sa nalalabing bahagi ng Mindanao.