2 lalaki natagpuang wala ng buhay at naliligo sa sariling dugo sa bayan ng Labo

CAMARINES NORTE- Natagpuang naliligo sa kanilang sariling dugo ang dalawang lalaki alas 7:10 ng umaga nitong Agosto 28, 2021 sa Purok 2, Barangay Bautista, Labo, Camarines Norte.

Ang mga biktima ay nakilalang sina alyas “JACK”, 60 taong gulang, binata, construction worker at residente ng Purok 2, Barangay Dogongan, Daet, Camarines Norte at alyas “LAKAY”, 47 taong gulang at residente ng Purok 2, Barangay Angas, Basud, Camarines Norte.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Sa ulat ng pulisya, isang Barangay Kagawa dang nagtungo sa himpilan ng Labo MPS upang ipagbigay alam ang diumano dalawang lalaking duguan ang katawan na natagpuan sa isang construction site sa Purok 2, Barangay Bautista, Labo, Camarines Norte.

Agad na tinungo ng duty investigator kasama ng iba pang patrollers ng Labo MPS ang lugar at doon nakumpirma ang insidente.

Agad na tumawag ng presensya ng mga tauhan ng Camarines Norte Provincial Crime Laboratory Office para sa pagproseso ng crime scene.

Read More:  Trailer truck plunges off Bukidnon bridge, three trapped for two hours

Napag-alamang ang mga biktima ay nagtamo ng maraming tama ng pananaga sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan na naging sanhi ng agaran nilang kamatayan.

Ang mga tauhan ng Labo MPS ay kasalukuyang nagsasagawa na ng follow-up operation para mahanap ang mga kamag-anak ng mga biktima at hot-pursuit operation para sa pagkakakilanlan at agarang pagkahuli ng suspek.