2 lalaki, huli sa mahigit ₱150k hinihinalang shabu sa Lucena City

Huli ang dalawang lalaki matapos ang ikinasang drug buy-bust operation ng pinagsama-samang pwersa ng mga awtoridad sa Barangay Ilayang Iyam, Lucena City nitong Miyerkules, Enero 17.

Ayon sa police report, bandang alas-5:00 ng umaga nang madakip ang mga suspek na kinilalang sina alyas “Loloy”, 33-anyos, residente ng Brgy. Dalahican; at alyas “Azlen”, 34-anyos, naninirahan sa Brgy. Ibabang Dupay.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Nasamsam mula sa mga suspek ang mahigit pitong (7) gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit ₱155,000, isang (1) coin purse at ang buy-bust money.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Samantala, nasa kustodiya na ngayon ng Lucena City Police Station (CPS) ang mga suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.