2-katao, timbog sa drug buy-bust ops sa Lucena City; Higit ₱3.3 million halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam

Arestado ang dalawang indibidwal matapos makumpiskahan ang mga ito ng mahigit ₱3.3 million halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Bocohan, Lucena City nitong Biyernes, Hunyo 14.

Ayon sa report, bandang alas-5:43 ng hapon nang madakip ang mga suspek na sina alyas “Mohamad”, 48-anyos, at alyas “Babylyn”, 25-anyos, matapos makabili ang isang poseur buyer ng hinihinalang shabu mula sa kanila.

Nasamsam sa posesyon ng mga suspek ang 165 gramo ng hinihinalang shabu, buy-bust money at isang (1) sedan.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng mga awtoridad ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *