2 kata0,o sugatan dahil sa away na humantong sa pananaga sa Cauayan City

Sugatan ang dalawang lalaki matapos humantong sa pananaga at pananaksak ang away na nag-ugat umano sa reklamo sa nilutong ulam sa barangay Linglingay, Cauayan City noong gai ng March 19, 2022.

Ang biktima ay kinilalang si Roberto Suarez, 50-anyos at ang dalawang suspek na sina Jhun Libid at Lito Aquino, kapuwa nasa tamang edad at pawang mga residente sa nabanggit na lugar.

Sa imbestigasyon ng Cauayan City Police Station, bago ang insidente ang biktima at mga suspek ay kumakain ng pananghalian sa isang maisan kung saan nagreklamo umano si Libid na napakaalat ng lutong ulam na munggo ng biktima.

Sinagot naman ito ng biktimang si Suarez na sinabing sa susunod ay sila nalang ang magluluto.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Hindi umano nagustuhan ni Libid ang sagot ng biktima at binato ang bunganga ni Suarez na nagresulta ng pagkatanggal sa dalawang ngipin nito pagkatapos ay umalis ang suspek.

Matapos ang insidente kalaunan ay hinanap ni Suarez ang suspek at nakitang nakikipag-inuman sa isang bahay.

Sinugod umano ni Suarez si Libid at pinagsusuntok ngunit bigla namang kinuha ng isa pang suspek na si Lito Aquino ang kaniyang itak at pinagtataga si Suarez.

Para mapigilan ang pananaga sa kaniya ni Aquino ay niyakap niya ito at dito naman nakakita ng pagkakataon ang biktima upang saksakin din si Aquino gamit ang dalang kutsilyo.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Nagawa namang humingi ng tulong ang biktima at mga suspek.

Sa ngayon ay kasalukuyan ng nagpapagaling sa isang pagamutan ang biktimang si Suarez.

Samantala, inaresto naman ng PNP Cauayan City sina Libid at Aquino.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Aquino, sinabi niyang naunang sumaksak si Suarez kaya dinepensahan lamang ang kaniyang sarili at tinulungan ang kaibigang binubugbog.

Wala rin umanong iba pang malalim na dahilan ang kanilang away kundi ang reklamo ni Libid na maalat ang nilutong ulam ng biktima.