2 kasabwat sa pagpatay sa kapitan sa Taal, Batangas, arestado

Naaresto na ng mga awtoridad ang dalawang itinuturong kasabwat sa pagbaril at pagpatay kay Barangay Captain Erasmo Divino Hernandez sa Taal, Batangas.

Sa press briefing sa Kampo Crame, sinabi ni Philippine National Police PIO Chief PCol. Jean Fajardo, na sinampahan na rin ang dalawa ng kasong obstruction of justice.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Naaresto ang dalawang kasabwat na suspek matapos ang isinagawang follow up operations ng pulisya sa tulong na rin ng mga CCTV sa lugar.

Doon, nakita kung saan dinala ng mga suspek ang kanilang mga ginamit noong araw na mangyari ang krimen gaya ng motorsiklo, helmet ang mga damit na kanilang suot

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Samantala, nagpapatuloy pa ang follow up operations upang matunton ang kinaroroonan ng riding in tandem suspects habang inaalam pa ang motibo sa krimen.