2 grupo ng kabatan, nagkagulo dahil sa maling akala; 1 nasaksak

Isinugod sa Ospital ang tatlong kabataan matapos na saksakin, hampasin ng kahoy at batuhin ng bote ng nakaalitan nilang grupo rin mga kabataan sa Beach ng Sitio Lasyap, Brgy. Maasin, Quezon, Palawan bandang alas-kwatro ng hapon ng Lunes, Ika-24 ng Hunyo.

Ang mga biktima ay sina Noel Recinto Agang Jr.,19-anyos, Reymark Delgra, 20-anyos at Melvin Cortes Guerrero, 23-anyos habang ang mga suspek ay sina Henreque Dela Cruz Elpus, 47-anyos, Renzie John Arcan Salanatin, 24-anyos at Rhyan Lahay-Lahay Elpus, 19-anyos.

Ayon sa PNP, umakyat si Noel ng puno ng niyog para pumitas ng buko at sinisigawan siya ng kanyang mga kasamahan na ibagsak na ang buko ngunit akala umano ng kabilang grupo na sila ang sinisigawan.

Dahil dito ay nagkaroon ng komprontasyon at nagkainitan ang mga ito.

Ang suspek na si  Henreque ay hinampas ng kahoy si Melvin at si Renzie naman binato ng bote si Reymark habang si Rhyan Lahay-Lahay ay sinaksak sa tiyan si Noel.

Samantala, ang mga biktima ay mabilis na isinugod Quezon Medicare Hospital habang si Noel ay inilipat sa Southern Palawan Provincial Hospital at ang isang suspek na si Renzie ay naaresto na habang ang dalawa ay pinaghahanap pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *