2 Civil security ng Balayong Park na inireklamo ng pangmomolestya, pansamantalang nakalaya

Nakalaya na pansamantala ang dalawang bantay ng Balayong Peoples’ Park sa Puerto Princesa na inireklamo ng pangmomolestya sa magkasintahan nitong gabi ng April 19, 2023.

Ayon kay Police Station 2 commander PMaj. Noel Manalo, nitong Martes, April 25 nakalaya na sina Augustine Franco Batul 40 anyos at si Ryan Dayap Santiago, 33 anyos matapos makapag-pyansa sa reklamong sexual assault.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Gayunman, wala pang natatanggap na panibagong reklamo ang pulisya laban sa dalawang inakusahan ng hindi nagpaunlak ng panayam sa media.

Read More:  Tragic outing ends in heartbreak as 19-year-old drowns in Cebu sea; two friends survive

Matatandaan na inireklamo ang dalawang bantay sa PNP matapos di umano nilang molestyahin ang magkasintahan at pinilit pa di umano nila itong gumawa ng sekswal na bagay noong gabing iyon, ayon sa PS2.