2 bayan sa Camarines Sur nagpa movie night tampok ang KathNiel

CAMARINES SUR –Kathniel’s breakup ain’t done yet, sa dalawang bayan sa Camarines Sur. Dinaluhan ng marami ang Movie Night, tampok ang pelikula nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sa Goa, pinalabas ang The Hows of Us , dinaluhan ito ng mga Gen Z at ng mga Goaeño sa LGU Grounds, kung saan ginanap ang public movie viewing. Habang mas lalo namang umingay ang social media dahil sa nasabing aktibidad.

Sa panayam sa Brigada News FM Naga kay Albert Enciso ng Goa Tourism Office, sinabi nitong isang buwan bago pumutok ang hiwalayan ng celebrity couple ay talagang nakalinya na sa kanilang aktibidad ang film viewing, pero dahil sa nangyari at para na rin sa mga fans, kaya nila iyon napili. Advise naman ng opisyal sa Kathniel fans na huwag nang magpaapekto nang sobra sa hiwalayan ng dalawa.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

“Huwag na po tayong magpa-apekto masyado dahil sabi nga nila, pagnagsasara ang isang chapter, ay may bagong chapter na magbubukas kaya let’s just wait for the second chapter,” ani Enciso.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Samantala, sa Capital Town Pili naman, muling nagkaroon ng pagkakataon ang Kathniel fans na balikan ang mga pelikulang nagpangiti, nagpalungkot at nagpakilig sa kanila sa pamamagitan ng libreng Movie Marathon sa Plaza De Cimarrones; She’s dating the Gangster naman ang napanood.

May pa-free popcorn pa sa may mga pangalang “Kath, “Kathryn” “Dan” at “Daniel.”