2 bata , patay nang malunod sa ilog ng Milaor, Camarines Sur

NAGA CITY – Patay nang malunod sa ilog ang dalawang bata sa Borongborongan , Milaor Camarines Sur bandang alas-10 ng umaga nitong Hunyo 15, 2023.

Napag alaman kay PCPT. Suzzette Pili Chief of Police ng Milaor PNP, na nagka-ayaan na pumunta sa ilog ang mga biktimang sila “John Kyle” 10-anyos at si “Eric” , 7-anyos, kasama ang isa pa, para paglaruan ang mga nakatambak na water lilies ,  matapos na pauwiin ang isa dito ng kanyang guro dahil may sinat.

Ayon sa nakakita, habang nasa water lily ang dalawang biktima ay bigla lamang na inanod ng malakas na agos ng tubig dahilan upang mahulog ang mga ito at tuluyan nang malunod.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Si “John Kyle” ay sinasabing marunong umanong lumangoy, subalit dahil na rin sa lakas ng current ay hindi na nito nagawa pang maka-ahon. Sinubukan pang itakbo sa pagamutan, subalit hindi na umabot pa ng buhay.

Tumanggi nang magbigay ng pahayag ang nagdadalamhating mga magulang.

Nagtulong tulong ang mga rescuers ng MDRRM Office , Philippine Coast Guard pati mga residente upang mahanap ang isa pang bata.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Bandang alas-dos na ng hapon nang matagpuan ang katawan ng 7-anyos na si “Eric” sa bahagi ng Barangay Alimbuyog parehong bayan. Ilang metro ang layo sa pinangyarihan ng insidente. Ayon sa ina nito, galing siya sa meeting sa 4Ps nang makarating sa kaniya ang impormasyon.

Pakiusap ni Pili sa mga malapit sa ilog lalo na sa mga Barangay Officials, huwag magsawang magpaalala,  sa mga magulang naman kung abala sa trabaho tiyakin na may nagbabantay sa mga bata.