2 bata na mag-kapitbahay natapagpuang patay sa Bulacan

Patuloy ang isinasawagang imbestigasyon ng mga kapulisan sa San Jose Del Monte, Bulacan kaugnay sa sinapit ng dalawang bata na nakitang wala nang buhay sa mabundok na bahagi sa Barangay Gumaoc East.

Ang mga biktima ay isang 11-anyos na babae at isang 8-anyos na lalaki.

Batay sa inisyal report ng San Jose Del Monte PNP, nagpaalam lamang na maglalaro ang mga biktima bandang tanghali noong Martes.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Kinabahan na umano ang pamilya ng mga biktima nung magtatakip silim na ay hindi pa nakaka-uwi ang mga biktima.

Dito na sila nagpasaklolo sa barangay at mga otoridad na magdamag na naghanap sa mga bata pero hindi agad nakita.

Kahapon banda ala una ng hapon ng makita sa liblib na bahagi ng naturang barangay na kapwa wala nang buhay ang onse anyos na babae katabi yung walong-taong gulang na lalaki.

Read More:  House prosecutor opposes online voting in Sara Duterte impeachment trial

Hinihinala naman na posibleng ginahasa ang batang babae dahil nakahubad na ito ng makita.

Sa ngayon hinihintay pa ang resulta ng forensic examinations na isinagawa ng Scene of the Crime Operatives (SOCO).

Nakita naman sa crime scene ang isang bato na sinasabing posibleng ginamit sa pagpaslang sa dalawang biktima.

Samantala sinabi ng PNP na persons of interest na sila subalit tumanggi muna itong pangalanan habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon. (LEY BAGUIO)