Maayos na tinanggap ng Puerto Princesa City Police Office ang pagsuko ng dalawang babaeng miyembro ng komunistang grupo nitong nakalipas na Martes, ika-18 ng Oktubre 2022.
Sa Sitio Inonokan Bgy. Concepcion, sumuko ang mga dating miyembro na sina @ Ka Tes (Non-PSR Listed) at si @ Ka Raffy/ Ka Heron/ Ka Lovely.
Ang pagsuko ng mga ito ay dahil sa masigasig na pagtutulungan ng Intel ng City Mobile Force Company at CMFC 3rd Platoon sa panunguna ni PLTCOL VICTOR LACWASAN.
Sa pamamagitan ng maayos na koordinasyon sa Kapatiran ng Dating Rebelde (KADRE) sa awtoridad ay naisakatuparan din ang pagsuko.
Kaugnay nito, si Ka Tes ay naging squad member simula noong taong 1997 at siya’y naging ganap na NPA taong 2000 habang si Ka Lovely ay na-recruit noong taong 1999 at naging full time NPA member taong 2000.
Sila ay ni-recruit ni GILBERT SILAGAN @ Ka Glen/ Ka Marlon sa ilalim ni Bonifacio Magramo @ Ka Boywan / Ka Abwan/ Ka Nato.
Samantala, ang mga sumuko ay inaasahang mabibigyan ng benepisyo sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).