Arestado ang dalawa katao sa magkaibang entrapment operation na isinagawa ng Bataan Maritime PNP, DENR at iba pang law enforcement team dahil sa pagbebenta ng iguana na walang kaukulang dokumento.
Isa dito ay ang operasyon nakaraang Sabado sa isang bus terminal sa Bgy. Dolores, City of San Fernando sa Pampanga laban sa suspek na si Darwin Espinosa ng Navotas City.
Ito ay matapos na makipagkasundo sa hindi niya alam ay poseur buyer para sa pagbebenta ng isang green iguana na nagkakahalaga ng anim na libong piso.

Samantala, sa kapareho ring araw ay isa pang suspek na kinilalang si Aldrin Paul Divino ng Floridablanca, Pampanga ang arestado rin sa pagbebenta ng iguana.
Ayon sa Maritime, pareho rin ang paraan ng transaksyon sa pamamagitan ng online kung saan benebenta naman ang nasabing buhay ilang sa halagang sampong libong piso.
I-tenurn over naman ng DENR ang mga narescue na iguana habang ang mga suspek ay nasa kustodiya ng Bataan Maritime at nahaharap sa paglabag sa Wildlife Resources Conservation and Protection Act.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Photo: Bataan MARPSTA
