2.8 milyong Pinoy, fully-vaccinated na vs. COVID-19

Pumalo na sa mahigit 2.8 milyong katao ang nabakunahan na laban sa COVID-19 sa Pilipinas, apat na buwan matapos ilunsad ang vaccination campaign.

Sa latest bulletin, sinabi ng National Task Force Against COVID-19 na 11,708,029 doses ng COVID-19 ang naiturok na sa 1,197 active vaccination sites sa buong bansa. 

Ayon sa NTF, nakakapagbakuna na ang Pilipinas ng 254,141 doses kada araw sa nakalipas na linggo. 

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Kabuuang 8,839,124  katao ang nakatanggap na ng isang dose ng COVID-19 vaccine habang 2,868,905 ang fully vaccinated na matapos makatanggap ng dalawang doses. 

Sa partially vacicnated individuals, mahigit 1.l7 milyon ang health workers, 2.5 milyon ang senior citizens, 2.9 milyon ang persons with comorbidities, 1.3 milyon ang essential workers, at 256,431 ang indigents.

Sa fully vaccinated individuals naman, mahigit 1.1 milyon ang health workers, 788,630 ang senior citizens, 897,719 ang persons with comorbidities, 26,109 ang essential workers, at 227 ang indigents.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Kasabay nito, nanawagan ang task force sa lahat ng eligible population na kasama sa priority groups A1 hanggang A5 na mag-register na sa kanilang mga lokal na pamahalaan at magpabakuna. 

Mababatid na target ng pamahalaan na makapagbakuna ng 50 milyon hanggang 70 milyong katao ngayong taon para makamit ang herd immunity.