1k pulis, ipapakalat ng MPD sa Undas 2024

Nasa 1000 pulis ang ipapakalat ng Manila Police District sa darating na undas.

Ayon kay MPD Chief Arnold Thomas Ibay, idedeploy ang mga ito sa mga checkpoint, sementeryo, bus stations, at iba pang places of convergence.

Read More:  Shooting at Ateneo de Zamboanga University leaves two dead

Dagdag pa niya, puspusan na rin ang kanilang paghahanda para sa holiday season na kinabibilangan ng tactical at strategic plan para sa kaligtasan ng lahat ng bibisita sa Manila North at South Cemeteries.

Read More:  Palace says ‘no one is above the law’ as VP Sara seeks oral arguments in grave threats case

Inaasahan ng MPD na milyun-milyong tao mula sa lahat ng bahagi ng Metro Manila at mga karatig lalawigan ang bibisita sa kanilang mga yumaong miyembro ng pamilya sa dalawang sementeryo.