199 bagong pulis sa R-12, isinasailalim sa field training program

KORONADAL CITY – IDINEPLOY na sa iba’t ibang mga lungsod at munisipyo sa Soccsksargen ang 199 na mga pulis ng Class 2023-01 MAHIDLAK para sa Field Training Program (FTP).

Kamakailan lang, nagsagawa ng send-off ceremony ang Police Regional Office o PRO 12 sa 138 na mga lalaking pulis at 61 female officers.

Read More:  Passenger arrested after alleged bomb joke at Tacloban airport

Ang mga ito ay isasailalim sa anim na buwang field training exercise sa larangan ng patrol, investigation at traffic. Ang FTP ay ang practical application ng mga theories at exercises na natutunan ng mga ito mula sa anim na buwang academic phase sa Regional Training Center 12.

Read More:  Philippine Eagle Foundation urges public to protect Philippine Eagles